Well, papaano nga ba mag propose?
Sabi nga nila, ang mga babae raw kapag nakakakita o nakakapanood ng mga magagandang proposal sila raw ay madalas na kiligin kahit na hindi sila ang nasa sitwasyon at the same time naiinggit, na sana mangyari rin sa kanila ang ganoong proposal o mas higit pa.
Anu-ano nga ba ang dapat nating gawin para makapag-propose tayo ng maayos? Meron akong mga tips sa baba na maaaring makunan ng idea kung papaano mag propose. Hindi ko naman kayo inuobliga na gawin niyo, pero kung ayaw niyo wag niyo na ipag-patuloy ang pagbabasa.
1) Una, siyempre kelangan may kasalukuyang karelasyon ka, matagal man o bago pa lang. Bago ka mag propose isipin mo muna ang mga tanong sa ibaba.
Sabi nga nila, ang mga babae raw kapag nakakakita o nakakapanood ng mga magagandang proposal sila raw ay madalas na kiligin kahit na hindi sila ang nasa sitwasyon at the same time naiinggit, na sana mangyari rin sa kanila ang ganoong proposal o mas higit pa.
Anu-ano nga ba ang dapat nating gawin para makapag-propose tayo ng maayos? Meron akong mga tips sa baba na maaaring makunan ng idea kung papaano mag propose. Hindi ko naman kayo inuobliga na gawin niyo, pero kung ayaw niyo wag niyo na ipag-patuloy ang pagbabasa.
1) Una, siyempre kelangan may kasalukuyang karelasyon ka, matagal man o bago pa lang. Bago ka mag propose isipin mo muna ang mga tanong sa ibaba.
- Siya na ba yung babaeng gusto mo na makasama habambuhay? Mahirap magsisi sa huli. Tiyaking mong siya na.
- Siya na ba yung babaeng gugustuhin mong makita tuwing umaga sa paggising mo na nakayap sayo at nakahiga sa braso mo?
- Siya na ba yung babaeng gugustuhin mong magiging ina ng magiging anak mo?
- Siya na ba yung babaeng gusto mong makasamang uminom ng kape sa umaga maging sa gabing pagpupuyat mo, na makakakwentuhan mo sa lahat ng bagay may kwenta man o wala?
- Siya na ba yung babaeng sa tingin mo ay hindi ka iiwan sa lahat ng panahon, masaya ka man o malungkot? Problemado ka man o hindi? Na siya magsisilbing lakas mo sa oras na mahina ka?
- at siya na ba yung babae na ikakalungkot mo ng sobra pag nawala siya?
2) Pangalawa, kilalanin mo muna nang maige yung babae. I-consider mo ang mga nasa ibaba:
- Anu-ano ang mga bagay na gusto nya? Lahat maaari mong alamin sa kanya. Kulay, damit, accessories, pagkain, lugar, movie at iba pa.
- Kilalanin mo ang parents niya, dapat visible ka sa kanila. Hindi yung bigla ka na lang lilitaw pag nabuntis mo na yung babae. Kailangan may respeto ka sa parents at mga kapatid nya. Sabi nga, mas mahirap iwanan ang relasyon lalo na kung kilala mo na at napamahal na saiyo ang pamilya nya.
- Alamin mo rin ang mga ayaw nya.
3) Pangatlo, pumili ka ng lugar na kung saan gusto mong ganapin ang proposal mo.
- Sa lugar na importante sa inyo, gaya ng kung saan kayo unang nagkakilala.
- Kung saan madalas kayong magpunta.
- Sa lugar na romantic at paborito nyang puntahan kasama ka man niya o kahit mag-isa lang siya.
- Iayon mo sa hilig nya, may mga babae na gusto ang nature, party, sinehan, sa beach at kung saan pa man.
4) Pang-apat, makipagsabwatan ka sa pamilya, kaibigan, kamag-anak at katrabaho niya.
- Planuhin niyo nang hindi nalalaman nung babae. Kasi mahilig sila sa sorpresa, at tiyak na magiging emosyonal siya at agad-agad na mapapap-OO.
- Gawin mo ang proposal sa oras na di nya inaasahan.
- Pwede mong gawin na kunwari ay aawayin mo siya bago mo ganapin. Pero yung away na parang tampuhan lang, baka sa sobrang away nyo di mo na matuloy yung balak mo. Yung simpleng tampuhan lang.
- Dapat nasa perfect timing ang lahat, minsan mo lang naman gaganapin sa tanang buhay mo, i-perfect mo na.
- Galingan mo ang acting, maaari kang huminge ng idea sa mga kaibigan mo.
- Isipin mo ang magiging reaction nya pag ginawa mo sa sa kaniya iyon. Yun ung magsisilbing motivation mo.
5) Piliin mo ang mga salitang sasabihin mo sa kanya.
- Isulat mo man sa papel at basahin sa harapan niya.
- Gumamit ka ng mga linya sa tula ng mga batikang manunula.
- Gumamit ka ng matatamis na lines.
- I-Google mo.
6) Bago mo gawin ang lahat ng yan, siyempre ipagdasal mo kay God. Ituring mong ibinigay siya ni God sa iyo at pahalagahan mo. Yun ang pinakamahalagang bagay, hayaan mong si God ang manguna sa relasyon niyo.
Dapat natin silang mahalin at pahalagahan. Pag nag propose ka, wag mong isiping mapapahiya ka. Isipin mo gagawin mo iyon kasi iyon yung alam mong dapat mong gawin.
Good Luck Bro!
Bro okay lang ba kahit propose lang muna?
ReplyDelete